Banchero maglalaro kahit may injury

MANILA, Philippines — Kahit ang iniindang hand injury ay hindi makakapigil kay Chris Banchero na maglaro para sa Alaska sa kanilang ‘do-or-die’ game kontra sa top seed na Phoenix sa 2019 PBA Philippine Cup.

Nadale ng injury si Banchero sa knockout match ng Aces kontra NLEX Road Warriors noong Biyer­nes para sa No. 8 berth sa quarterfinals.

Kahit wala si Banchero ay nagwagi pa rin ang Alaska laban sa NLEX, 88-80, para kumpletuhin ang playoff picture.

“I think I’ll be okay. I’m ready to go for Sunday. It’s kinda painful right now and swollen,” wi­ka ni Banchero na balot ng tu­walya at yelo ang natu­rang kamay.

Kontra sa Fuel Masters, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, ay tiniyak ni Banche­ro ang kan­yang paglala­ro lalo na at kaila­ngang ma­­nalo ng Aces.

Show comments