National athletes balik na sa RMSC

MANILA, Philippines – Maaari na muling manirahan ang mga national athletes mula sa 10 sports sa mga pinaayos na dormitoryo sa Philippine Sports Commission sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at sa PhilSports Complex sa Pasig City.

Noong Disyembre 14 ay nag-isyu ang PSC ng advisory sa mga atleta na lisanain ang kanilang mga dormitoryo para maipagawa.

“The PSC will take care of athlete’s temporary board and lodging,” sabi ni Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr. sa pagsailalim ng RMSC at PhilSports sa matinding pagpapaayos.

Tiniyak naman ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na tutuparin niya ang kanyang naunang pangako sa mga national athletes.

“We covered expenses for their temporary housing like rentals of condo or apartment units for the team,” wika ni Ramirez na idinagdag na binayaran nila ang mga rentals sa mga training venues para sa mga sports na ang mga training facilities ay inaayos.

Inaasahang makukumpleto ng PSC ang mga pagsasaayos ng iba pang quarters sa Agosto hanggang Setyembre.

 “A big part of being an athlete is discipline, so let us start with keeping our accommodations clean,” dagdag ni Ramirez, dating coach ng Ateneo de Davao basketball team.

Ayon kay Dormitory Head Rocelle Destura, ang mga national athletes mula sa mga NSAs na kagaya ng weightlifting at wrestling (women) ay naninirahan sa kasalukuyan sa RMSC.

Show comments