Belingon, Folayang parehong sasalang

MANILA, Philippines – Mangunguna sina ONE Lightweight world champion Eduard Folayang at ONE Bantamweight world champion Kevin Belingon ng Team Lakay sa mga Pilipinong sasabak sa Tokyo fightcard ng ONE Championship na binansagang “A New Era,” na mapapanood ng live sa iba-ibang plataporma ng ABS-CBN Sports sa Linggong alas-6 ng gabi.

 Sa unang pagkakataon, sabay-sabay mapapanood ang isang ONE Championship event sa ABS-CBN S+A at S+A HD sa ABS-CBN Sports Facebook page, sports.abs-cbn.com, at iWant Sports na gaganapin sa Ryogoku Kokugikan stadium tampok ang apat na pagdedepensa ng mga titulo nina Folayang, Belingon, ONE Middleweight champion Aung La N Sang, at reyna ng ONE Women’s Strawweight division na si Xiong Jing Nan.

 Pamilyar na sina Folayang (21-6, 6 KOs) at Beli-ngon (20-5, 8 KOs) sa mga makakalaban na pareho na nilang tinalo noon. Matagal na panahon ang hinintay ng madirigmang binansagang “Landslide” sa mu-ling paghaharap nila ng tinuturing na bayani ng Japan sa mixed martial arts na si Shinya “Tobikan Judan” Aoki (42-8, 26 submissions), na inagawan niya ng korona noon. Samantala, makakalaban naman muli ni Belingon sa isang rematch si Bibiano “The Flash” Fernandes (22-4, 8 submissions), ang kinatatakutang submission artist mula sa Brazil na kanyang tinalo noong nakaraang taon.

Show comments