Painters nagbago ng laro
MANILA, Philippines — Sinisi ni coach Caloy Garcia ang kawalan ng ‘team play’ ng kanyang Rain or Shine na naging dahilan ng kanilang dalawang sunod na kamalasan.
“Medyo after the long break sabi ko sa kanila nag-iba na ‘yung ugali nila, parang naging selfish-minded sila,” reklamo ni Garcia.
Ang tinutukoy ni Garcia ay ang two-week break ng PA para sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa sixth at final round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ang ikalawang dikit na kabiguan ng Elasto Painters ay ipinalasap ng kontra-pelong Columbian Dyip, 85-82, noong nakaraang Miyerkules.
Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Columbian sa kanilang pagtutuos ng Rain or Shine.
Mula sa dating pagsosolo sa liderato ay nahulog ang Elasto Painters sa ikalawang puwesto sa ilalim ng Phoenix Fuel Masters.
Ang huling laro ng Rain or Shine ay laban sa Meralco sa Marso 15.
“We have to go hard against Meralco if we want a chance to get one of the Top Two spots,” ani Garcia.
- Latest