^

PM Sports

Uytengsu pararangalan ng PBAPC

Pang-masa
Uytengsu pararangalan ng PBAPC

MANILA, Philippines — Hindi mauuwi sa wala ang mahusay na pamamahala ni team owner Wilfred S. Uytengsu sa Alaska, nasa kanilang pang-33 taon sa PBA.

Sa pangangasiwa ni Uytengsu ay nagwagi ang Aces ng kabuuang 14 championships na kinatampukan ng PBA Grand Slam noong 1996.

Sa pagdiriwang ng PBA Press Corps ng silver anniversary sa pamamagitan ng kanilang Awards Night ay parara-ngalan si Uytengsu dahil sa kanyang nagawa para sa prangkisa.

Dating miyembro ng national swimming team at isang aktibong triathlete, tatanggapin ng Alaska Milk executive ang kauna-unahang Lifetime Achievement Award mula sa grupo ng mga reporters na nagkokober ng PBA beat.

Sa 25 taon sapul nang ilunsad ang PBAPC awards noong 1993, kumuha ang Aces ng 13 titulo sa ilalim ng pamamahala ni Uytengsu – kasama ng koponan sa debut season noong 1986.

Noong 1994 hanggang 1998 seasons ay nagkampeon ang Alaska sa walo sa kabuuang 16 kompe-rensya kasama ang Grand Slam noong 1996, tampok sina MVP Johnny Abarrientos (1996) at Kenneth Duremdes (1998).

Ang 12 sa 13 korona ng Aces ay nanggaling kay head coach Tim Cone. Sa pag-alis ni Cone ay nanalo ang Aces noong 2013 Commissioner’s Cup sa ilalim ni coach Luigi Trillo.

WILFRED UYTENGSU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with