MANILA, Philippines — Sa loob at labas man ng court, si Alaska reinforcement Mike Harris na marahil ang ‘Best Import’ nga-yong 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup.
Iyan ang kanyang pinatunayan matapos magsilbing idol at bayani sa mga kabataan sa labas ng court habang siya rin ang nangungunang kandidato sa Best Import race papasok sa Finals ng season-ending conference.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay nasaksihan si Harris na inilibre ang mga street children sa labas ng Cuneta Astrodome matapos ang kanilang tagumpay sa elimination round ng Governors’ Cup.
Pagdating ng Game 3 semi-finals kung kailan nagwagi rin ang Aces kontra sa Bolts, 104-102 ay inulit ito ni Harris nang nanlibre uli ng mga hikahos na paslit sa isang fast food chain malapit sa Cuneta Astrodome.
Hindi niya alam ay nakuhanan ito ng mga netizens hanggang sa maging viral nga at inaani ngayon ni Harris ang mga papuri mula sa pambihirang gawain na iyon.
Subalit para sa kanya, hindi aniya inasahan na sisikat ito at kakalat sa buong Pilipinas na hindi niya rin intensyon dahil sa simpleng pagtulong lamang.
“The intent was not that. I dont post it because of intention of doing it. Me and my wife do similar back at home but it’s not something that we post or we talk about because that’ s not the intent,” ani Harris.
“It just so happened that people were there and they started recording and posting it. I dont do it for that intention.”
Hindi naman alam ng karamihan, mayroon pang mas malalim na pinaghuhugutan si Harris kung bakit mayroon siyang pusong mamon para sa mga naturang street children.
Ayon kay Harris, nakikita niya ang sarili niya sa kanila noon nang siya ay nangongolekta pa ng basura bago maging isang sikat na basketbolista ngayon.
“I came from a small family, I came from a small town. We didn’t had much so I have to work non-stop to get everything. My mommy taught me, my grandmother raised me. They though me hardwork,” dagdag ng emosyonal na si Harris mula sa Hillsboro, Texas. “So I picked up, collected cans for a living. I mowed grass. I did whatever I could to earn money so they dont have to give me anything. I know the real value of hardwork.”
Para sa kanya, paraan aniya ito sa pagbabalik ng biyaya sa mga bata lalo’t alam niya ang kanilang pinagdadaanan. “I just saw an opportunity to do something. For me, I dont believe in people giving money. I believe in giving them something that they can value,” paglilinaw niya.
Hindi man manalo ng Best Import na nilinaw niyang hindi niya pangarap, gayundin kung dumulas man ang kampeonato mula sa Aces, sigurado namang may napatunayan na si Harris sa kanyang unang taon sa Pilipinas.