Phoenix, Blackwater mahusay ang imports

“One legit center away to be a real contender.”

 

Ito ang sabi ni Phoenix coach Louie Alas ukol sa kanyang team. At mukhang ito rin ang siste para sa Blackwater at Magnolia.

Dahil napupunan ang bagay na ito ng kani-kanilang imports, pare-parehong malakas ang laban para sa Top Four ng PBA Governors’ Cup elims ang Phoenix Petroleum, Blackwater at Magnolia.

Puno sa backcourt at maayos rin naman ang wing spots kaya’t umabot sa Philippine Cup Finals ang Hotshots pero lumabas ang kanilang kakulangan sa gitna nang makaharap na nila ang SMBeermen.

Kita naman ang mabilis na pag-angat sa kasalukuyan ng Phoenix at Blackwater dahil sa presensya ni Eugene Phelps at Henry Walker.

Pero siguradong balik ang problema nila pagda-ting sa all-Filipino dahil wala na naman silang panapat sa gaya nina June Mar Fajardo at Greg Slaughter.

Kaya naman pinipiga nila ang puwedeng ipiga sa kanilang mga imports.

Siguradong Best Import contenders sina Phelps, Walker at Romeo Travis kung madadala nila ang kanilang koponan sa semifinals.

Naihayag na ni Phelps na puntirya niya ang Best Import award.

Kaya naman kahit tambak na tambak ang NLEX sa kanilang laro noong nakaraang gabi, bumalik pang muli sa laro papasok sa homestretch si Phelps upang habulin ang kanyang ikaapat na 50-point game sa kanyang paglalaro sa PBA.

Saka lamang siya tuluyan ng nagpahinga nang abutin ang 50-point mark na lagpas tatlong minuto pa ang natitira sa laro.

Kumpiyansa siya na tatapos sila sa Top Four sa elims at eventually mararating ang semifinals.

“Honestly, I’m trying to win import of the year (BPC). I understand that to get that, you’ve got to at least get to the semifinals. So that’s the goal – Top Four at least,” ani Phelps.

Show comments