Porzingis nag-ensayo na

NEW YORK — Nakasama na si Kristaps Porzingis sa kanyang mga teammates, hindi lamang alam ng New York Knicks kung kailan siya makikita sa court.

Hindi naman babalik si Joakim Noah bagama’t pinag-uusapan pa ang kanyang pag-alis sa Knicks.

Sinabi ng New York na gagamitin nila ang kanilang future first-round draft picks para makapili ng mga players na hindi ipapasok sa mga trades sa layuning makahugot ng isang established player.

“We’re committed to following a plan and not just shifting and pivoting because we see something that we think is attractive and might fast track something,” wika ni Knicks president Steve Mills.

“I’ve seen that happen and go wrong too many times and that’s not what we’re going to do.”

Ngunit nangyari na ito sa New York.

Ibinigay ng Knicks ang mga bata nilang players at future assets noong 2011 para mahugot si Carmelo Anthony kesa kunin ang star forward bilang free agent sa sumunod na taon.

 

Show comments