^

PM Sports

Baguio City determinadong ipagtanggol ang overall crown sa Batang Pinoy

Francisco Cagape - Pang-masa

BAGUIO CITY, Philippines — Nagpahayag ng malaking tiwala ang host Baguio City sa matagumpay na pagdepensa sa overall crown sa 2018 Batang Pinoy National Finals simula ngayong araw hanggang sa susunod na linggo sa ibat-ibang venues dito.

Bukod sa many-time champion Baguio City, ang iba pang malakas na delegasyon ay nagpahayag din sa kanilang kahandaan sa pag-agaw sa overall title kagaya sa Cebu City, Cebu Province, Pangasinan, Laguna at Mandaluyong.

Mahigit 90 local government units (LGUs) kabilang na ang 36 mula sa Luzon, 26 sa Mindanao at 26 din sa Visayas sa kabuuang 2,715 atleta ang sasabak sa kabuuang 23 sports disciplines.

Ang mga batang atleta na kasali ay mga medalists sa isinagawang Luzon, Visayas at Mindanao regional qualifying legs simula noong Marso sa taong ito.

Inaasahan ang mainit na laban sa archery, arnis, athletics, baseball, basketball (boys at girls), boxing, chess, dancesports, karatedo, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, lawn tennis, volleyball (boys at girls) at beach volleyball.

Diretso sa national finals ang mga atletang sasabak sa cycling (mountain bike at road race), futsal, gymnastics, judo, muay thai, duathlon, weighlifting at wushu kaya hindi na sila dumaan sa regional eliminations.

Kahit pa man sa hirap sa biyahe dulot ng Bagyong Ompong, nanatili pa rin ang determinasyon ng mga batang atleta na mag-uwi ng medalya at karangalan para sa kanilang bayan.

Malakas din ang tiwala ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan at Philippine Sports Commission chairman William Ramirez sa tagumpay sa mahigit isang linggong multi-sports kumpetisyon.

BATANG PINOY NATIONAL FINALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with