Final Four kinumpleto ng Lady Maroons

MANILA, Philippines — Mabilis na nakaba­ngon ang Adamson University para igupo ang San Sebastian College, 19-25, 25-10, 25-21, 25-13, upang makumpleto ang elimination sweep sa Premier Volleyball League Season 2 Colle­giate Conference kaha­pon sa The Arena sa San Juan City.

Pinangunahan nina Ber­nadette Flora at Eli Soyud ang atake ng Lady Falcons para pi­gi­lan ang pagtatangka ng Lady Stags at matamis na kubrahin ang ka­nilang ikapitong sunod na panalo.

Kumana si Flora ng 17 puntos tampok ang 11 attacks kalakip ang 12 excellent receptions, habang nagdagdag si So­yud ng 15 markers at 13 digs sa panalo ng Adamson.

“I am happy we made it. It’s not the en­ding that I wanted but we’re the only team who is at 7-0. We didn’t get that way by barely ma­king it. There are some parts in our game that are really strong and I need us to be confident in that going forward,” ani Adamson coach Air Padda.

Sa ikalawang laro, na­­mayani ang Universi­ty of the Philippines sa San Beda University, 25-19, 25-16, 25-9, para angki­nin ang hu­ling ti­ket sa Fi­nal Four.

Nakalikom naman si MJ Igao ng 28 excellent receptions, habang naglista si Tonnie Ponce ng 25 digs at 15 receptions para sa depensa ng Lady Falcons.

Samantala, nakuha ng UST ang No. 2 see­ding sa Final Four matapos patumbahin ang Far Eastern University, 25-15, 25-27, 25-18, 22-25, 15-11, sa larong ginanap sa Cagayan de Oro City.

Show comments