^

PM Sports

Nationals paghahandaan ang Koreans

Mae Villena - Pang-masa

JAKARTA — Bigo ang “Gilastopainters” sa bi­gating China ngunit sa mata ng mga Pinoy, ta­gumpay ang Philipinne bas­ketball team na nagbigay ng magandang laban ba­go isinuko ang 80-82 ka­biguan.

Sa likod ng nalasap na pagkatalo ng last minute Phl team na pinangunahan ni Cleveland Fil-Am pla­yer Jordan Clarkson sa kanyang 28 puntos sa debut game niya para sa Gilas, umani ng papuri mu­la sa mga Pinoy fans ang koponan.

Hanggang 12 puntos lamang ang inilayo ng mga Chinese, lamang pa ng tatlong puntos sa hu­ling 72 segundo ng laro at nahirapan muna bago ita­kas ang panalo.

Nagdagdag si Fil-Ger­man Christian Standhar­dinger ng 18 markers kasunod ang 14 at 10 points nina Stanley Pringle at Paul Lee Dalistan, ayon sa pagkakasunod.

Nagpahinga ang Gilas kahapon na inimbitahan ng isang Filipino Basket­ball Community para sa isang pananghalian sa Ke­mang Club Villas.

“Free day today, tomorrow we start practice everyday and viewing tapes. Will also make adjustments on some plays based on wat we’ve seen in the game versus China,” pahayag ni National coach Yeng Guiao.

Binigyan si Guiao ng Filipino community ng native batik polo na kanyang isinuot sa pagpa­pa­kuha ng litrato.

Matapos ang tanghalian ay nanood The Equa­lizer 2 ang tropa para mag­relaks.

Inaasahan ang pagpa­sok ng Gilas sa quarterfi­nals maliban na lang kung magmilagro ang Ka­­zakhstan kontra sa Chi­­­na ngayong alas-5 ng ha­­pon (Manila time) na si­yang magdedetermina ng kalaban ng No. 1 team sa Group A na Korea sa quar­terfinals na magsisi­mu­la sa Linggo.

“We need to be more efficient versus Korea. The difference is Jordan Clarkson. He brings a whole new set of problems for Korea. While gi­­­ving us another high ca­liber weapon in our of­fen­sive arsenal,” sabi pa ni Guiao. “If we play the way we did versus China, I think its pretty even.”

GILASTOPAINTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with