MIAMI — Wala pang desisyon si veteran forward Udonis Haslem kung magbabalik sa Heat para sa kanyang pang-16 season.
Ngunit malaki ang tsansa na muli niyang isuot ang uniporme ng Miami.
“It was a great conversation,” sabi ni Haslem sa pagbubukas ng kanyang pinakabagong branch ng Einstein Bros. Bagels, isa sa mga prangkisa na itinayo ng kanyang business partners sa Miami area sa nakaraang mga taon. “At the end of the day, it’s was a conversation about if they want me back and if I want to be back.”
Balak din ni Haslem na kausapin si Heat coach Erik Spoelstra sa mga susunod na araw.
Inihayag na ni Miami team president Pat Riley na gusto niyang magbalik si Haslem sa koponan.
Nalimitahan ang playing time ni Haslem sa nakalipas na tatlong taon at nakita lamang sa 14 games sa nakaraang season.
Ngunit ang kanyang pagiging lider sa locker room ay mahalaga para sa Heat at nanatili ang 38-anyos na Miami native bilang isa sa mga team captains.