Chooks to Go-NCAAPC Player of the week
MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang pagsisikap na iangat ang University of Perpetual Help Altas sa 78-76 panalo laban sa paboritong San Sebastian Stags, napili si Prince Eze bilang Chooks-to-Go NCAA Press Corps Player of the Week para sa linggo mula Agosto 5 hanggang Agosto 11.
“At halftime, I got mad actually. I told them, guys, it’s not about the Xs and Os. It’s about your desire to win,” pahayag ni UPHSD head coach Frankie Lim.
Sa larong ‘yun, umani ang Nigerian import Eze ng kabuuang 22 puntos, 18 rebounds at anim na blocks upang masungkit ang ikatlong panalo ng Altas at manatili sa pang-apat na puwesto sa standings sa 3-2 win-loss kartada.
Tabla pa sana ang laban sa huling 3.3 segundo nang umiskor si Eze sa winning goal mula sa lob pass ni AJ Coronel na ikinatuwa ng pro-crowd sa teritoryo nila mismo noong Huwebes.
“I don’t want to lose whatever it takes. I know if I tap the ball, I’m still gonna catch it back. So I went inside,” ayon naman sa 21-anyos na si Eze, ang most defensive player noong nakaraang season.
Naungusan ni Eze sina CJ Perez ng Lyceum, Robert Bolick ng San Beda, Bong Quinto ng Letran at Alvin Capobres ng San Sebastian para sa weekly honor.
“I mean, a win is a win. And we have to live with that,” dagdag ni Eze.
- Latest