MANILA, Philippines – Maging ang alamat na si Robert Jaworski Sr. ay nadismaya sa pag-atras ng basketball team mula sa nalalapit na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Para kay Jawo, na tinaguriang ‘The Living Legend’, ang pagsali sa international tournaments ay hindi lang lagi tungkol sa basketball.
Sa katunayan, higit pa dito ang kahulugan ng pagsali sana sa Asian Games.
Ngunit sa pullout ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na inanunsyo noong nakaraang Huwebes, wala na aniya ang oportunidad na ito.
“Well, it’s simple. It’s a great opportunity to spread the character of the Filipino athlete and add a little more to the word goodwill and obviously, brotherhood of nations,” anang 72-anyos na si Jaworski. “It’s a missed opportunity.”
Ayon sa kasunduan ng SBP at ng Philippine Basketball Association (PBA), ang Rain or Shine sana ang ipapadala sa Asiad bilang kinatawan ng bansa sa prestihiyosong Asiad.
Ngunit biglang binawi ito ng SBP noong nakaraang linggo upang maghanda na lamang umano ang bansa sa iba pang basketball events sa hinaharap tulad nga ng FIBA World Cup Asian Qualifiers second round sa Setyembre.
Isa si Jaworski sa umaasang magbabago pa ang desisyon ng SBP dahil para sa kanya, ang pakikisama ng bansa sa mga karatig na nasyon sa pagsali sa Asia ang mas mahalagang bagay, higit pa sa basketball lang.
“Amen if they do that. After all, what do we want to win? We want to win respect. That’s it,” pagtatapos ng dating Senador.
Samantala, hinamon ni Ginebra legend Robert Jaworski Sr. ang koponan na magising at huwag sumuko sa laban kontra sa paboritong kampeon na San Miguel matapos ang dalawang sunod na malaking kabiguan sa kamay ng Beermen upang malubog sila sa 1-2 baraha sa best-of-seven Finals series.
Sa harap ni Jaworski ay nalasap ng Gin Kings ang pinakamasaklap na pagkatalo sa PBA Finals history nang ibaon ng Beermen sa Game 3, 132-94 kamakalawa sa Smart Araneta Coliseum.
Sandamakmak ang nakitang mali ng 72-anyos na basketball great sa 38-puntos na pagluhod ng Ginebra na tumabla na sa pinakamalaking losing margin sa kasaysayan ng PBA Finals buhat nang matambakan din ang San Miguel ng Alaska, 99-61 sa 1998 All Filipino Cup Finals.