MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon sa PBA Finals ay may ka-tapat na si 6-foot-10 at four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel sa katauhan ni seven-foot- Greg Slaugter ng Barangay Ginebra.
Kaya naman inaasahan ni NLEX head coach Yeng Guiao na magiging maganda ang best-of-seven championship series ng Beermen at Gin Kings sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.
“It’s the first time that June Mar Fajardo has somebody his size guarding him,” sabi kahapon ni Guiao sa panayam ng CNN Philippines. “Kasi dito sa local at least sa PBA, June Mar Fajardo will always have a weight advantage, size advantage and the experience advantage because he’s always playing in the Finals.”
Naglalaro pa kagabi sa Game One ang San Miguel, ang nagdedepensa sa titulo, at ang Ginebra habang isinusulat ito.
Ayon kay Guiao, hindi basta-basta mauuga ng 28-anyos na si Fajardo ang 30-anyos na si Slaughter sa shaded lane kagaya ng kanyang ginagawa sa mas maliliit na sentro sa PBA.
“With Greg Slaughter medyo mae-equalize ng konti.’yung size niya. Hindi siya kayang tanga-yin ni June Mar hanggang sa loob. And then the length, the size and the weight, it’s really a good match up,” sabi ni Guiao.