^

PM Sports

Gonzales pumuwesto sa No. 15 sa Spain

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabigong samantala­hin ni Filipino Gran d Master Jayson Gonzales ang kanyang tsansang ma­nalo at nakuntento sa 66-move draw kay eighth seed GM Kevel Oliva Castañeda ng Cu­ba para tumapos sa 15th place sa pagtiklop ng XX Obert Internacional Sant Marti 2018 sa Barcelona, Spain noong Sabado ng gabi.

Nabigo ang 49-anyos na si Gonzales sa pagsulong ng winning queen move na nagresulta sa kanilang queen exchange at isang pawn edge kay Oliva Castañe­da.

Nagpakita naman si Oliva Castañeda ng su­perb endgame technique para makabawi ng pawn at makapuwersa ng draw kay Gonzales.

Nauna nang tumapos si Gonzales sa fifth sa na­karaang Barbera del Valles sa Barcelona.

Nakipag-draw din ang mga estudyante ni Gon­zales na sina Wo­man GM Janelle Mae Frayna at International Master John Marvin Mi­ciano kina IM Alexey Fer­nandez Cardoso ng Cuba at Torbjorn Glimbrant ng Sweden, ayon sa pagkakasunod.

Tumapos si Frayna sa No. 21, habang pu­mu­westo si Miciano sa No. 29.

Samantala, kaagad si­nimulan nina Frayna, Mi­ciano at Gonzales ang kanilang kampanya sa 44th Sitges International sa La Penya Chess Casino Prado Suburense de Sitges kahapon.

Bukod sa pagtarget sa inaasam na GM title, pinaghahandaan din ni Frayna ang paggiya sa women’s team sa 2018 World Chess Olympiad sa Set­yembre sa Batumi, Georgia.

JAYSON GONZALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with