MANILA, Philippines — Sobrang suwerte ang inabot ng pitong magkakaibigan na nagpunta sa isang OTB sa Maynila noong Linggo para magsaya sa karera ng MetroTurf.
Pagkatapos na magbakas-bakas at tumaya sa first set ng winner-take-all, laking gulat nilang lahat nang solo winner ang kanilang WTA ticket na pinuhunanan nila ng P4,800.
Tumataginting na P1.8-million ang kinubra ng magkakaibigan kinabukasan na dahil walang pasok noon sa main office ng MetroTurf sa Mandaluyong kung saan sila nagpunta at nagbaka-sakaling kubrahin ang kanilang tinamaan.
Minabuti na lamang ng magkakaibigan na mag-check-in sa isang malapit na boarding room at magdamag na nag-inuman para hintayin ang pagbubukas ng opisina ng MMTC para kumubra.
May Carry-over kasi ang first Pick-6 na P796,998 noong Huwebes at paglalabanan naman ngayon ang tumataginting na carry-over na P1,155,954 sa first WTA.