Pamintuan at La Torre tig-5 swimming gold

Nicole Meah Pamintuan at Camilo Russel La Torre

CEBU CITY, Philippines — May tiglimang gold medals na sina Nicole Meah Pamintuan ng Sta. Rosa City at Camilo Russel Owen La Torre ng Gen. Santos City sa pagtatapos ng swimming competition kahapon sa 2018 Philippine National Games sa Cebu City Sports and Aquatic Center dito.

Nagwagi pa ang 18-anyos na si Pamintuan sa women’s 200-m freestyle (2:15.69) kahapon habang dinomina ng 17-anyos na si La Torre ang men’s 200-m freestyle para hiranging mga most bemedalled swimmers sa pang-siyam na edisyon ng PNG.

Ang iba pang panalo ng incoming Grade XII estudyante ng De La Salle-Taft na si Pamintuan ay sa 100-m backstroke (1:09.81), 100-m freestyle (1:02.12), 50-m backstroke (32.64) at 200-m individual medley (2:32.87).

“Sabi ng coach ko, malaki ang tsansa na makasama sa national team sa 4x200-meter freestyle relay dahil malapit ang oras namin sa Asian Games. Sa ngayon kasi hindi pa buo ang swimming team kaya wala pang katiyakan lahat,” sabi ni Pamintuan na kasama sa women’s relay team na nag-uwi ng bronze medal sa 29th Southeast Asian Games noong nakaraang taon sa Kuala Lumpur.

Si La Torre naman na lilipat na sa University of Perpetual Help-Las Piñas bilang incoming Grade XII student sa susunod na pasukan ay nauna nang rumatsada sa 400-m freestyle (4:28.49), 400-m individual medley (5:08.81), 100-m freestyle (57.87) at 1,500-m freestyle (18.21.03).

Hangad din ni La Torre na makapasok sa national team kaya tinanggap ang alok na scholarship mula sa UPHSD para lalong ma-improve pa ang kanyang kakayahan.

“It’s really a dream of every swimmer to be a part of the national team. I think, if I transfer to Manila, I can improve my talent with the support of Perpetual Help University in Las Piñas,” ayon kay La Torre.

May tig-apat na ginto  naman sina Kelsey Claire Jaudian ng Gene-ral Santos City at David Franco De La Rosa ng Las Piñas at tatlo naman kay John Samuel Alcos ng Davao City at tig-dalawa sina Prescilla Aquino ng La Union at Lean Ysidore Dagum ng Koronadal City.

Sa triathlon nau-ngusan ni John Chicano ng Zambales ang national teammate na si Nikko Huelgas sa hu-ling metro ng 5-km run para angkinin ang gintong medalya sa oras na 1:01:03 na ginanap sa Maravilla beach resort sa Tabuelan, Cebu.

Pumapangalawa si Huelgas sa 1:01:35. Kung matatandaan tumapos sa 1-2 finish sina Huelgas at Chicano sa nakaraang Sea Games sa Kuala Lumpur.

Show comments