^

PM Sports

Mojdeh 3-gold sa China swimfest

Beth Repizo-Meraña - Pang-masa
Mojdeh 3-gold sa China swimfest
Micaela Jasmine Mojdeh

SHANGHAI, China - Uuwi si reigning Philippine Swimming League (PSL) Swimmer of the Year Micaela Jasmine Mojdeh bitbit ang kabuuang tatlong gintong medalya na nilangoy nito sa 2018 Shanghai Invitational Swimming Championships na ginanap sa Oriental Sports Center dito.

Sa huling araw ng bakbakan, humataw pa ng dalawang gintong medalya ang 11-anyos Palarong Pambansa Most Bemedalled Athlete.

Namayagpag ito sa girls’ 11-12 100m butterfly sa pamamagitan ng isang minuto at 7.25 segundo sapat upang muling dispatsahin si Amber Lim ng China na nagrehistro ng malayong 1:17.77 para magkasya sa pilak na medalya.

Nakuha ni Kalibo, Aklan pride Joana Amor Cervas ang tanso tangan ang 1:25.74 sa torneong nilahukan ng 1,200 tankers mula sa mahigit 30 bansang dumating.

“She really is the future of Philippine swimming. She has already embraced the responsibility of carrying the national colors in international competitions. That’s why we’re sending our athletes abroad to further hone their skills and learn from their foreign counterparts,” wika ni PSL president Susan Papa.

Subalit hindi rito natapos ang pamamayagpag ni Mojdeh nang muli itong umatake sa 200m butterfly kung saan nagsumite siya ng impresibong 2:27.97 para talunin ang mas matatangkad na Chinese swimmers.

Nauna nang nagbulsa si Mojdeh ng gintong medalya sa 50m butterfly sa pamamagitan ng 30.62 segundong ipinamalas nito sa opening day ng torneo.

“It was a great performance and we’re looking forward to train her for the Southeast Asian Age-Group Championship come July in Manila. She’s qualified to compete in the SEA Age-Group because of her sterling showing in Palarong Pambansa,” dagdag pa ni Papa.

Nakahirit naman ng isang pilak at isang tanso si Lucio Cuyong sa boys’ 14-year event.

Sumegunda si Cuyong sa 200m breaststroke sa bisa ng 2:43.00 na naitala nito habang pumangatlo naman siya sa 100m breaststroke makaraang itala ang tiyempong 1:16.00.

Sa kabuuan, nakalikom ang PSL ng tatlong ginto, dalawang pilak at dalawang tansong medalya.

“We’re happy that we’ll be going home with medals. All three of them won medals in their respective events and I would like to congratulate them for a job well done. Competing against the likes of China and some other European swimmers in this event is already an achievement for them. But winning medals is just an icing on the cake,” wika pa ni Papa na kasama sa delegasyon sina PSL secretary general Maria Susan Benasa at regional director Joan Mojdeh.

MICAELA JASMINE MOJDEH

PSL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with