^

PM Sports

Columbian hangad ang solong liderato

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aminado si Columbian Dyip coach Ricky Dandan na pinanood ng Meralco ang kanilang panalo laban sa Black­wa­ter noong Linggo.

Kaya naman inaasahan niyang gagawa si one-time PBA Grand Slam champion mentor Norman Black ng es­tratehiya sa kanilang bak­­bakan nga­yong alas-4:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng Blackwater at Phoenix sa alas-7 ng gabi sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Co­liseum.

“We’re up against a team that has been able to scout and prepare for us,” sabi ni Dandan sa pag­ha­rap ng kanyang Dyip sa Bolts.

Umiskor ang Columbian ng 126-98 panalo sa Blackwater na tinampukan ng career-high na 30 points ni Fil-Am guard Jerramy King.

Ang 28-point win ng Dyip, nag­poste ng 22 steals, laban sa Elite ang all-time largest mar­gin para sa kanilang prang­ki­sa.

Muling tinapik ng Me­­ralco si PBA Best Im­port Arinze Onuaku, nagposte ng mga ave­ra­ges na 18.7 points, 17.3 rebounds at 1.5 blocks sa 17 games no­ong 2016 edition ng tor­neo.

Sa tulong ng 6-foot-8 na si Onuako ay na­ka­pasok ang Bolts sa se­mifinals.

“We worked on coun­­ters and adjustments. We’ll see how it goes,” ani Dandan.

Maglalaro naman pa­ra sa Meralco sina for­ward Cliff Hodge at big guard Jared Dillin­ger.

Sa ikalawang laro, mu­li namang aasahan ng Elite si balik-import Jarrid Famous na nag­lis­ta ng 35 points at 22 re­bounds sa kanilang ka­­biguan sa Dyip.

Itatapat ng Fuel Masters si import James White.

RICKY DANDAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with