Perez pinitas ang unang gold medal sa PRISAA
TAGBILARAN CITY, Philippines — Inangkin ni Melody Perez ng Central Visayas ang unang gold medal nang pagreynahan ang 3,000 meters event sa seniors division ng Private Schools Athletic Association Sports Foundation, Inc. (PRISAA) National Games kahapon dito sa Carlos P. Garcia Sports Complex oval.
Nagsunite si Perez ng bilis na 11 minuto at 33.81 segundo para ungusan sina Mary Joy Motin ng CALABARZON na naglista ng 11:34.15 at Rodelyn Onato ng Western Visayas na naorasan ng 11:37.43.
Kumolekta naman ang Western Visayas ng dalawang gintong medalya mula kina Kim Villaruz at Ara Rhabea Delotavo sa girls youth division.
Nanguna si Villaruz sa 3,000m sa kanyang tiyempong 14:47.91 kasunod ang kanyang teammate na si Marjorie Basea (14:15.00 at Melanie Paderanga (15:49.88) ng Northern Mindanao.
Bumandera naman si Delotavo sa 100m hurdles sa kanyang 16.36 sa itaas ng teammate na si Kyla Marie Almalbis (16:66) at Michaella Marcarejo (17:12) ng Cagayan Valley.
Sa shot put, naghagis naman si Cagayan Valley bet Jun Jun Domingo ng 12.34m para kunin ang gold medal sa boys senior division para talunin sina Jun Mose Estrada ng (12.10m) ng Central Visayas at Renzy John Gemolaga (11.67m) ng Western Visayas.
Sa boys secondary division, inangkin ni Reynald Joseph Casa ang ginto sa kanyang inihagis na 12.50m para talunin sina Western Visayas bets Jumel Eudila (11.94m) at Joseph Pabalinas (8.95m).
- Latest