MANILA, Philippines — Batangas City Coliseum
Inaasahan ni coach Mac Tan ng Batangas Athletics ang resbak ng Muntinlupa Cagers sa kanilang muling paghaharap sa Game 2 ng best-of-five championship series ngayon sa inaugural staging ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup sa Batangas City Coliseum.
Matapos sa kanilang 70-64 panalo sa Game 1 noong Huwebes ng gabi, target ni coach Tan ng top seed Batangas na palawakin sa dalawa ang kanilang bentahe sa pagtatagpo sa alas-7 ng gabi.
“We want to lead 2-0 before the series shift to their home court on Tuesday. At least dito sa amin ‘yung crowd ay mala-king tulong to inspire our players,” sabi ni Tan na nanatiling wala pang talo sa kanilang home game.
Mula sa 64-64 tabla, umarangkada ang Athletics sa pangunguna ni Teytey Teodoro ng 4-0 rin sa huling 69 segundo para angkinin ang unang laro sa serye.
Tumapos ang dating Jose Rizal Bombers na si Teodoro ng 20 puntos na may kasamang apat na assists at tatlong rebounds off the bench para pa-ngunahan ang panalo ng Batangas.
“I have no excuses, but you know we have only a day to prepare for Game 1 in the finals. Kaya medyo kulang pa talaga ang aming preparation,” ayon naman kay coach Aldrin Morante.
Umiskor ng 12 si Dave Moralde habang si Allan Mangahas ay tumulong ng 11 para sa Muntinlupa.
Dahil sa 2-2-1 format ng serye, ang unang dalawang laro ay gaganapin sa Batangas Sports Complex at ang sunod na dalawa ay gagawin sa Muntinlupa Sports Center habang kung kinakailangan, ang fifth game ay babalik sa Batangas.