^

PM Sports

Lady Eagles nakasiguro ng puwesto sa Final 4

Pang-masa
Lady Eagles nakasiguro ng puwesto sa Final 4
Dinepensahan ni Maddie Madayag at Deanna Wong ng Ateneo ang buong pu-wersang atake ni Cherry Rondina ng UST.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nanatili ang mainit na performance ng Ateneo de Manila University sa second round matapos pabagsakin ang University of Santo Tomas, 25-22, 20-25, 20-16, 25-17, 15-9 at makausad sa Final Four round ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Ang panalo ang ikalimang sunod ng Lady Eagles sa second round at ika-9 na pagkakataong pag-usad nila sa Final Four round habang mas pinaliit naman nila ang nalalabing tsansa ng Tigresses na umusad ng semis.

Bumangon ang Lady Eagles mula sa 1-2 sets na pagkakaiwan bago nagdomina sa decider set na inumpisahan nila sa pamamagitan ng 7-2 kalama-ngan upang makopo ang panalo.

 Nanguna si Kat Tolentino sa naturang panalo makaraang tumapos na may 21-puntos kabilang na ang winning service ace na sinundan ni Jhoanna Maraguinot na may 19-puntos.

Nagtapos namang leading scorer para sa Tigresses na bumagsak sa 4-8 karta si Cherry Rondina na mayroon ding 21-puntos.

“We’re speechless and we’re really happy that our hard work paid off,” pahayag ni Ateneo team captain Maddie Madayag.

Sa ikalawang laro, nagpatuloy naman sa panlalamig ang National University matapos talunin ng University of the Philippines, 25-19, 25-22, 25-20.

Dahil sa panalo, nabigyan pa ng gahiblang tsansa ang UP na makahabol sa hu-ling Final Four spot sa pag-angat nila sa markang 4-8 kasalo ng UST Tigresses.

Nagpatuloy naman ang pagiging maalat ng Lady Bulldogs na bumagsak sa ika-5 na sunod nilang kabiguan sa second round at sa patas na barahang 6-6, isang panalo lamang ang agwat sa Adamson Lady Falcons (5-6).

Samantala sa men’s division, nagawang makabalik ng National University sa winning track at sa pangingibabaw matapos magwagi kontra sa University of the Philippines,  25-12, 19-25, 25-15, 25-20.

Nagposte ng 21-puntos si Madzlan Gampong habang nag-ambag naman ng 19-puntos si Bryan Bagunas upang pamunuan ang Bulldogs na umangat sa kanila sa 10-2 panalo-talo.

Bumagsak naman ang Maroons na pinanguna-han ni Wendell Miguel na may game high na 23-puntos sa 3-9 panalo-talo.

Sa unang laro, matapos ang kanilang upset win kontra sa NU Bulldogs,  nasolo na ng Falcons ang ika-4 na puwesto matapos umangat sa 6-6 panalo-talo nang kanilang gapiin ang De La Salle University,  25-22, 16-25, 25-15, 29-27.

Nagtala si Mark Alvarez ng 9 attack points at 6 na blocks upang pa-ngunahan ang panalo ng Falcons na nagbaba naman sa Green Spikers sa kartadang 4-8. (FML)

FILOIL FLYING V

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with