MANILA, Philippines — Pansamantalang nakahinga nang maluwag si head coach Pido Jarencio para sa kanilang tsansa sa quarterfinal round.
Umiskor si Sean Anthony ng 21 points habang kumolekta si Kelly Nabong ng 21 markers, 13 rebounds at 5 blocks para tulungan ang Globalport sa 108-91 panalo laban sa talsik nang Kia sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Bitbit ang 5-5 record, kailangan pa ng Batang Pier na talunin ang Phoenix Fuel Masters sa pagsasara ng eliminasyon sa Marso 2 para tuluyan nang makapasok sa eight-team quarterfinals cast.
“It was a total team effort. Gusto talaga nila pumasok sa playoffs,” sabi ni Jarencio sa Globalport na nagposte ng 16-point lead, 67-51 sa third period hanggang maagaw ng Kia ang bentahe sa 85-84 matapos ang three-point play ni Reden Celda sa 7:58 minuto ng final canto.
Kumonekta naman si Stanley Pringle ng magkasunod na triple para mu-ling itaas ang Batang Pier sa 90-85 sa 6:48 minuto ng labanan.
Tumapos si Celda na may 20 points para sa Picanto kasunod ang 17, 14 at 12 markers nina Jon Jon Gabriel, Rashawn McCarthy at Eric Camson.
“Focus tayo sa Phoenix game and then tingnan natin kung ano ‘yung mangyayaring scenario. Were hoping to beat Phoenix to get that No. 6 spot,” sabi ni Jarencio, nakahugot kay Pringle ng 15 points.
GLOBALPORT 108 - Anthony 21, Nabong 21, Pringle 15, Sargent 12, Teng 7, Grey 6, Flores 6, Gabayni 6, Guinto 6, Juico 4, Elorde 2, Araña 2, Taha 0.
Kia 91 - Celda 20, Gabriel 17, McCarthy 14, Camson 12, Jamon 9, Corpuz 5, Tubid 5, Sara 4, Cabrera 3, Yee 2, Lastimosa 0, Galanza 0, Khobuntin 0, Ababou 0.
Quarterscores: 23-26; 51-40; 78-67; 108-91.