^

PM Sports

Umaasa pa rin si Amir Khan kay Pacquiao

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumagsak ang negosasyon para sa kanilang laban dahil sa kabiguan ng isang investment group sa United Arab Emirates na maipakita ang kanilang ipinangakong prize money kay Manny Pacquiao.

Ngayon ay umaasa si dating two-division world titlist Amir Khan na mapaplantsa ang kanilang pagtutuos ni Pacquiao sa susunod na taon.

“Manny is a great fighter, so talented and should have won the fight,” sabi ni Khan sa unanimous decision loss ni Pacquiao kay Australian Jeff Horn noong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia. “Maybe a younger Pacquiao would have knocked him out, but in my opinion he won.”

Dahil sa pagkakabasura ng laban ni Khan kay Pacquiao ay mas pinili ng Filipino world eight-division champion na labanan si Horn.

Masyadong nagkumpiyansa ang 38-anyos na si Pacquiao sa kanyang pagsagupa sa 29-anyos na si Horn, isang dating school teacher sa Brisbane, na nagresulta sa pagkawala ng kanyang suot na World Boxing Organization welterweight crown.

“I just think when a guy comes to the ring like Horn, someone who comes to win, he only has thoughts are on winning. So that was the problem with Manny.”

Ang 30-anyos na si Khan ay dating sparring partner ni Pacquiao noong panahon na nagsasanay pa siya sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach.

Umaasa si Khan na maitatakda ang kanilang bakbakan ni Pacquiao sa susunod na taon bago tuluyang magretiro ang Filipino boxing legend.

Ngunit bago mangyari ito ay hihintayin muna ni Khan kung matutuloy ang rematch nina Pacquiao at Horn.

May rematch clause sa fight contract nina Pacquiao at Horn at gagawin lamang ito sa Australia.

“I think the fight with me and Manny maybe over but if he has a rematch with Horn and I have a tune-up fight then it could still happen,” sabi ng British star.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with