Mojdeh, Dula PSL top swimmers

MALAY, Aklan-  -Pinangunahan nina Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque at Marc Bryan Dula ng Wisenheimer Academy ang mga Most Outstanding Swimmer awardees sa katatapos lang na 115th Philippine Swimming League (PSL) National Series - 2nd Gov. Miraflores Swim Cup dito.

Nakumpleto ni Mojdeh ang matamis na sweep sa lahat ng kaniyang anim na events para makuha ang MOS award sa girls’ 10-year category. Namayagpag ito sa 200m Individual Medley, 50m butterfly, 50m breaststroke, 50m backstroke, 50m freestyle at open water.

Sa kabilang banda, nakasungkit din ng anim na ginto si Dula - 200m Individual Medley, 50m butterfly, 50m breaststroke, 50m backstroke, 50m freestyle at open water - para makuha ang boys’ 10-year class.

Umariba rin sina Marie Joe Borres ng Capiz Turbo Shark Swim Club (49 points) at Kate Zaira Roberto ng Aklan Swimming Team (54 points) na siyang umani ng MOS plum sa girls’ 12-year at girls’ 8-year, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang MOS winners ay sina Johan Pablo Angelo Gomez (6-under), Aishel Cid Evangelista (7), Master Charles Janda (8), Lord Benedict Janda (9), Jennuel Booh De Leon (11), Jermain Russelle Eulin (12), Lucio Cuyong II (13), Lowestein Julian Lazaro (14), Ony Valencia (15) at Kobe Soguilon (16-over) sa boys; at sina Roselle Angela Palma (7), Azryle Jeea Garcia (9), Joanna Amor Cervas (11), Angela Figalan (13), Riandrea Chico (15) at Laika Mae Enero (16-over) sa girls.

“It’s really hard to develop a swimmer at a very young age but we’re not getting tired of guiding them until they achieve their dreams especially those who are aiming to qualify and eventually win medal in the Olympics,” wika ni PSL President Susan Papa.

Tatlong bagong rekord ang naitala sa torneo mula kina Mojdeh sa 50m freestyle (30.86 seconds), Cuyong sa 50m breaststroke (33.21 seconds) at Kyla Soguilon sa girls’ 12-year 50m butterfly (32.13 seconds). (BRMeraña)

Show comments