Lozanes nagpasiklab

MANILA, Philippines - San Jose, Antique -- Nakuha ni Joy Ann Labasano ng Northern Mindanao ang unang gintong medalya sa athletics habang naitala naman ni James Lozanes ng Western Visayas ang bagong meet record sa secondary boys javelin throw kahapon sa 60th Pa-larong Pambansa sa Binirayan Sports Complex dito.

Naungusan ng 17-anyos na si Labasano si Jie Anne Calis ng National Capital Region (NCR) sa huling metro sa secondary girls 3,000 meter run upang masungkit ang unang ginto sa medal-rich athletics event sa oras na 10:32.67 kasunod si Calis sa 10:41.15 at ikatlo si Maria Junaliza Abutas ng Ilocos Region sa 10:44.63.

“Hindi ko akalain na mananalo ako sa event na ito. Ginawa ko lang talaga ang makakaya ko,” sabi ng grade 11 estudyante ng Alae National High School ng Manolo Fortich, Bukidnon sa Bisayan dialect.

Ang 17-anyos din na si Lozanes, isang grade 10-estudyante sa Estancia National High School ng Iloilo Province ay nagtala ng 59.46-meter sa secondary boys javelin throw para lampasan ang dating 57.81 ni Bryan Pacheco sa 700 grams event noong 2013.

Pumapangalawa kay Lozanes ang kanyang teammate na si Ro-nald Lacson sa 57.30 at pangatlo si Manny Maquiling ng Northern Mindanao sa 54.66.

Dinomina naman ni Maria Sally San Jose ng Calabarzon ang elementary girls shot put sa kanyang 10.70 meters habang nakuha ni Rhealyn Desosta ng Western Visayas ang silver sa 9.98 meters at pangatlo si Juneliza Sarabosing sa 9.43-m.

Si Cesar Hernandez ng Negros Region ay nagpasiklab sa se-condary boys high jump sa 1.90 meters at pangalawa si Kent Celeste ng Ilocos Region sa parehong 1.90 din at ikatlo si Ernie Calipay ng Eastern Visayas sa 1.85-m.

Sa gymnastics na ginanap sa Emilio Javier Stadium, may apat na gintong medalya na ang 9-anyos na si Karl Jahrel Eldrew Yulo ng National Capital Region (NCR) matapos pagharian ang elementary men’s artistics gymnastics cluster 1 floor exercises (8.9 points), pommel horse (9.350 pts.), vault (8.900 pts.) at individual all around (27.150 pts.).

Bukod kay Yulo, ang iba pang multi-gold medallist ay si Danie-la Reggie de la Pisa ng Central Visayas na humakot din ng tatlong ginto sa secondary girls rhythmic gymnastics.

Ang unang panalo ng 13-anyos na si De la Pisa ay sa rope event (9.46) at sinundan ng isa pang ginto mula sa hoop event (9.72). Nagwagi rin ang grade 8 high school estudyante ng University of the Visayas sa ball event sa 9.80 puntos.

Ang ibang nanalo ng ginto ay sina Divina Sembrano ng NCR sa clubs event ng secondary rhythmic at si Breanna Labadan ng NCR sa elementary girls rhythmic freehand.

Show comments