^

PM Sports

Aksiyunan ang mga pikon

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Siguro panahon na para  maglabas ng memo ang PBA Commissioner’s Office o maglabas ng saloobin si Kume Chito Narvasa ukol sa isyu sa pag-shoot ng basket sa mga huling segundo ng laro na alam na kung sino ang panalo.

Si Gabe Norwood ang pinakahuling gumawa ng eksena o nagpakita ng pagkapikon sa bagay na ito nang magpakawala si San Miguel gunner Marcio Lassiter ng three-pointer papatapos na ang kanilang 111-98 panalo kontra sa Rain or Shine noong Sabado sa MOA Arena.

Ilang beses ng nagmaktol si coach Tim Cone sa parehong kaganapan.

Kabastusan nga ba ito? O sadyang pikon lang ang ilang PBA player at coach.

Wala naman silang makikita kahit saang rule book na nagbabawal sa bagay na ito.

“Huwag silang magpatambak o magpatalo para hindi sila nabubuwiset sa garbage basket,” ani Kandong Pabaya sa latest na umpukan sa kanyang kubo sa Maysan, Valenzuela.

“Paano ‘yung mga bangkong player na sa last seconds lang nagagamit? Kung ‘yon lang ang pagkakataon nilang umiskor, kakapikunan din ba nila ‘yon,” susog ni Dennis Alemania, kasalukuyang super proud sa pagtatapos ng kanyang anak na si JR ng IT course sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.

Dapat sigurong mag-set na rin ng fine ang liga laban sa mga pikon bago pa pagmulan ng mas mala-king gulo ang kanilang mga inaasal.

***

Ayon sa isang PBA official, buo na raw ang Top Nine ni coach Chot Reyes sa Final 12 na kanyang iaanunsyo pagkatapos ng All-Star Game sa Lucena sa Biyernes.

Ibig sabihin, tatlong spots na lang ang pinag-lalabanan sa Gilas team na sasabak sa SEABA Championship na idaraos sa May 12-18 sa Smart Araneta Coliseum.

Meron na akong inilabas na hula sa kolum na ito noong isang linggo. Ramdam ko pa rin na sina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Troy Rosario, Calvin Abueva, Allein Maliksi, Jason Castro at Terrence Romeo ang mga seeded na players.

Laban-laban sa natitirang spots sina Matthew Wright, Roger Pogoy, Jio Jalalon, Kevin Ferrer at Ed Daquioag.

DATOS: May isang TV analyst na hindi na nakikitang umuupo sa PBA TV panel ngayon. Ito ay sa kadahilanang may nabubuwiset sa kanyang ball club sa kanyang insinuation na gumagawa ang team ng paraan para hindi makapagpahiram ng player sa Gilas team. Dale si Mr. Excited!

PIKON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with