^

PM Sports

Horn makikipagsabayan kay Pacquiao sa buong laban

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumpara kay Floyd Mayweather, Jr. ay plano ni Australian challenger Jeff Horn na makipagbasagan ng mukha kay Manny Pacquiao.

“I am (ready to trade punches). If that’s what I have to do, if that’s what works, I’ll stand and trade with Manny Pacquiao,” sabi ni Horn. “I’m a pressure fighter, high-tempo from the word go.”

Sinabi ng 29-anyos na London Olympic Games campaigner na ito ang kanyang magiging pinakamalaking laban at hindi niya pakakawalan ang pagkakataong makasagupa ang Filipino world eight-division champion.

Nakatakdang hamunin ni Horn (16-0-1, 11 KOs) si Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) para sa World Boxing Organization welterweight crown sa Hul-yo 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Marami ang nadismaya nang mas piliin ni Mayweather na iwasan at takbuhan ang mga pi-nakawalang suntok ni Pacquiao sa kanilang super fight noong Mayo ng 2015.

Tinalo ni Mayweather si Pacquiao sa pamama-gitan ng isang unanimous decision win.

“I’m going to showcase my skills against a guy that’s an absolute champion. If he’s not ready, I’m going to look 10 times better against him,” deklarasyon ni Horn.

Dahil gagawin ang kanilang laban sa Brisbane, Australia ay maaaring lumakas ang loob ni Horn.

“Manny will be at the next level. But on my home ground, I’m going to have a big advantage,” wika ng dating school teacher.

Sa naunang panayam ay sinabi ni Michael Koncz, ang business adviser ni Pacquiao, na matapos nilang pabagsakin si Horn ay kaagad nilang lilisanin ang Australia para tutukan ang susunod na laban ni 'Pacman'.

Huling umiskor ng TKO victory si Pacquiao noong Nobyembre ng 2008 matapos niyang pasukuin si Miguel Cotto sa 12th round para angkinin ang WBO welterweight belt mula sa Puerto Rican.

Kumpiyansa si Horn na tatalunin niya si Pacquiao para agawin ang suot nitong korona.

“I keep picturing myself winning. I keep picturing my style upsetting him throughout the fight. And I can see myself landing those big punches. And I think that's what is going to happen," wika ni Horn.

Magtutungo si Pacquiao sa Brisbane sa Abril 24 para sa kanilang promotional tour ni Horn na dadalhin din sa Sydney, Melbourne at Adelaide.

Inaasahang makakasama ni Pacquiao sa pagbisita sa Australia sina Arum at chief trainer Freddie Roach.

 

HORN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with