Harris pinagmulta ng $25K

LOS ANGELES - Pinagmulta si Dallas Mavericks guard Devin Harris ng $25,000 ng NBA dahil sa pagkompronta sa game official matapos siyang patalsikin sa laro noong Miyerkules.

Pinatawan ng multa si Harris dahil sa “aggressively pursuing a game official and failing to leave the court in a timely manner following his ejection” sa 118-121 kabiguan ng Mave-ricks laban sa Pelicans sa New Orleans.

Nagalit si Harris na pituhan siya ni referee Ben Taylor para sa personal foul matapos niyang makabanggaan si Pelicans guard Jordan Crawford.

Kaagad siyang tinawagan ng technical foul at kinailangan pa siyang awatin ng kanyang mga teammates nang sugurin niya si Taylor.

Ito ay nagresulta sa kanyang ikalawang technical at automatic ejection sa 9:08 minuto sa first half.

“I’ve never seen him that upset,” wika ni Dallas coach Rick Carlisle, natawagan din ng technical foul matapos masibak si Harris sa nasabing laro.

Show comments