^

PM Sports

Most Outstanding Palarong Pambansa alumni paparangalan sa Antique

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon, bibigyan ng Department of Education ng parangal ang pinaka-outstanding na produkto ng Palarong Pambansa simula sa unang edisyon noong 1948.

Sabi ni DepEd assistant Secretary Tonisito Umali, isa lamang ang kanilang pipiliin sa marami nang naging outstanding alumni ng prehistiyosong taunang kumpetisyon para sa mga student-athletes na may edad 17-anyos pababa.

Bukod sa plaque at trophy, ang mapipili sa unang Palarong Pambansa Para-ngal Achievement Award ay makakatanggap din ng P50,000 cash at all-expenses paid trip papunta sa San Jose Buenavista, Antique para tanggapin ang mala-king karangalan sa opening ceremonies ng 60th edis-yon ngayong Abril 23.

“Isa lang ang aming pipiliin sa mga naging alumnus or alumni ng Palaro at ang mananalo ay siyang makakatanggap ng first Palarong Pambansa Parangal Achievement Award. Ang isa pang requirement ay hanggang ngayon siya ay nasa estado na magandang ga-wing inspirasyon sa iba. Whether he or she is here or nasa abroad, ‘yun ang hinahanap natin,” sabi ni Umali sa lingguhang Philippine Sportswriter Association (PSA) sports forum sa Aura Ballroom ng Golden Phoenix Hotel sa Pasay City.

Ayon kay Umali, ang iba sa mga pinagpilian ay sina Lydia de Vega, Elma Muros, Isidro del Prado at Eric Buhain.

Nagpasalamat din si Umali sa Philippine Sports Commission na tumulong para masigurado ang tagumpay ng 2017 edisyon na gaganapin sa probinsiya ng Antique sa unang pagkakataon.

Ipinahayag ni Umali na bukod sa pagpahiram ng mga kinakailangang equipments kagaya ng touch pad ng swimming, rubber mat at gymnastics equipments, nagbigay umano ang PSC sa pangunguna ni chairman William “Butch” Ramirez ng P10 milyon na karagdagang budget ng host province.

“We are very grateful with the PSC headed by chairman “Butch” Ramirez for their support in the staging of this year’s Palarong Pambansa. Our partnership with the PSC is really very exemplary,” dagdag ni Umali na kasama rin si DepEd Head  of Sports Cesar Abalon sa lingguhang forum.

Sabi ni Abalon, dala-wang demonstration sports at isang demonstration event ang idinagdag sa 60th edisyon kaya umabot na sa 21 sports disciplines ang paglalabanan ng mahigit 10,000 athletes mula sa 18 regions.

TONISITO UMALI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with