Sinong dapat sumalo sa suweldo ni Dela Cruz?
MANILA, Philippines - Pinoproblema nga-yon ni Blackwater team owner Dioceldo Sy kung sino ang magpapasuweldo kay Art dela Cruz matapos siyang magkaroon ng ruptured Achilles tendon sa Day One ng three-day training camp ng Gilas Pilipinas sa Splendido sa Tagaytay noong Martes.
Nakuha ni Dela Cruz ang nasabing injury sa isang aksidente sa shooting drill at kaagad na sumailalim sa operas-yon sa Makati Medical Center.
Dahil dito ay halos apat na buwan ang ipapahinga ni Dela Cruz bago muling makabalik sa kanyang kondisyon.
Hindi na makikita ang 6-foot-3 Blackwater forward sa Gilas team para sa pagsabak sa darating na SEABA championship at maging sa kampanya ng Elite sa PBA Commissioner’s Cup na magsisimula bukas sa Smart Araneta Coliseum.
“It’s a terrible blow on us. We’re still without Poy (Erram), and now we’ve also lost Art,” wika ni Sy, nasa Richmond, Vancouver para bisitahin ang kanyang anak na babae, sa isang overseas phone conversation.
Sa kabila ng nangyari kay Dela Cruz ay patuloy pa ring susuportahan ni Sy ang national team kasabay ng panawagan sa pagkakaroon ng clear-cut policies kagaya sa kaso ni Dela Cruz.
“What happens to the mother team now? We don’t have a player. Are we going to pay for nothing? There’s no clarity on that matter,” sabi ni Sy sa kawalan ng nasabing probisyon sa nilagdaang PBA-SBP memorandum of agreement.
Ang PBA-SBP MOA ay para lamang sa pagpapahiram ng mga PBA players ng kanilang mother ball clubs sa Gilas Pilipinas.
“It’s a call for national interest and we have to support it. We can’t turn out back on that. In fact, we have our full support to Perlas Pilipinas,” wika ni Sy, ang No. 1 benefactor ng national ladies team sa ilalim ni coach Patrick Aguino na assistant coach sa Blackwater.
Inaasahan namang tiyak nang mapapasama sa Gilas team si Blackwater stalwart Mac Belo para sa SEABA meet.
“We’d had a high spirit but our campaign is now hampered minus our key players. Nasira tuloy ang bakasyon ko,” sabi ni Sy.
Sa hindi paglalaro nina JP Erram, Dela Cruz at Belo ay sasandal ang Elite kay import Greg Smith.
“He’s a bit overweight but he’s okay. He’s determined to make a good showing here in his hope to make it back to the NBA,” ani Sy kay Smith na naglaro para sa Houston Rockets sa isang offseason game laban sa Indiana Pacers sa MOA Arena noong 2013.
Sina Dela Cruz at Belo ang mga leading scorers ng Blackwater sa nakaraang Philippine Cup na parehong may average na 14.3 points. (NB)
- Latest