MANILA, Philippines - Paparangalan sa Golden Wheel Awards Night ang mga achievers sa motor sports noong nakaraang taon sa March 18 sa magarang Samsung Hall ng SM Aura sa Fort Bonifacio Global City sa Taguig City.
Sa temang “Uncompromising Safety in Utmost Professionalism,” sinabi ng nag-organisang Golden Wheel Foundation Inc. na ang mga judges ay binubuo ng top racing officials at media na binigyang importansiya ang impact ng kanilang tagumpay sa pagpili ng mga 2016 Golden Wheel Driver of the Year awardees.
Ang mga nanalo sa iba’t ibang racing events ay awtomatikong nominado para sa naturang award.
Ito ay sina Scooter champion John Emerson Inguito, Underbone King Masato Fernando, Superbikes champion Marvin Mangulabnan, Motocross champion Glenn Aguilar, Slalom champion Milo Rivera, Grand Touring champion Edwin Rodriguez, Drag Racing Driver of the year na si Jonathan Tiu, Classic Car champion Dexter Daquigan, 4x4 Offroad champion Cesar Daquil, Asian Karting Junior champion John DIzon, Asian Karting Senior champion at Karter of the Year Jerry Choi. Mapapasama sa elite Hall of Fame circle nga-yong taon si Motocross legend Dennis Acdol.
Isa sa 11 champion nominees na sina Jerry Choi, Edwin Rodriguez, Jonathan Tiu and Marvin Mangulabnan ang mahigpit na naglalaban para sa Golden Wheel award.
Sasandal si Choi sa kanyang panalo sa X30 Senior of the Petron X30 Series at overall runner-up finish sa ROK Senior sa Petron ROK Karting Super Series.
Nanalo rin siya ng 2016 International Karter of the Year at 2016 Asian Senior Karter of the Year honors.