^

PM Sports

Creative, Charm Offensive at iba pa pinapaborang manalo ng mga karerista

Pang-masa

MANILA, Philippines - Maraming kabayo ang inaasahang magwawagi ngayong hapon dito sa Metro Turf, Malvar-Tanauan, Batangas na nakapaloob sa kabuuang sampung karera na nakalinya ngayon.

Una sa listahan ang may apat na taong lalakeng kastanyong panlaban ni Engineer Felizardo Sevilla Jr. na Creative at ito ay papatungan ni apprentice jockey Onil P. Cortez.

Sa kanyang huling ipinakitang pruweba ay nanalo ito sa pamamagitan ng isang matulis na pagpaparemate sa rekta at si Cortez rin ang may dala sa kabayo.

Sa karerang handicap-4 ay inaasahan rin ang panalo ng napupuntong Charm Offensive na ngayon ay gagabayan ni apprentice J.P. Decenilla. Kagagaling rin nito sa panalo sa nakaraang takbo.

Sa mas mataas na handicap-6 ay pinapaboran ang imported runner galing Australia na ang Miss Fonteign na si jockey Norberto Calingasan ang sasakay.

Isa pa ring nasa hustong kundisyong kabayo ay itong panlaban ni Atty. Narciso O. Morales na Radian Talisman. Nakatatlong sunod na itong panalo at nais ilista ang pang-apat.

Sa pinakamataas na grupong handicap-10 ay itong kabayo ni George Raquidan na Real Flames ang siyang nag-iisang pinili ng mga tiyempistas.

At sa penultimate race na handicap-3 ay ang One Eyed Janes, isang limang taong babaeng kastanya na rerendahan ni Bryan M. Yamzon ang siyang inaasahang manalo.

Nakipagsabayan na ito sa mga kalaban nitong nakaraang takbo at pumasok ito sa money prizes sa pagiging ikaapat sa likuran ng Sampaloc Baby at Artikulo Uno. - JM

 

 

FELIZARDO SEVILLA JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with