Bogdanovic, McCullough kinuha ng Wizards

Washington, D.C. – Inihayag ni Washington Wizards President Ernie Grunfeld ang pagkuha nila kina forward Bojan Bogdanovic at forward Chris McCullough mula sa Brooklyn Nets at ibinigay sina forward Andrew Nicholson, guard Marcus Thornton at isang 2017 protected first round draft pick.

“Bojan is a very good shooter and a talented overall scorer whose versatility gives us an added dimension as we gear up for the stretch run,” ani Grunfeld. “He is a proven starter that will provide us an added boost off the bench and allow us to be creative with our lineups.”

Naglista si Bogdanovic ng mga average career-highs na 14.2 points, 3.6 rebounds at 1.6 assists nga-yong season.

Mayroon siyang mga career averages na 11.2 points at 3.1 rebounds sa 212 career games (121 starts) sa kanyang tatlong seasons sa Brooklyn.

Ang 31st overall pick noong 2011 NBA Draft ay may mga averages na 11.2 points at 3.2 rebounds sa nakaraang season.

Naglaro siya para sa Croatian National Team noong 2016 Summer Olympics at pinangunahan ang lahat ng scorers sa kanyang 25.3 points per game at hinirang sa NBA All-Rookie Second Team matapos maglista ng average na 9.0 points sa una niyang season (2014-15).

Dala naman ni McCullough ang mga career ave-rages na 3.9 points at 2.2 rebounds.

Bilang rookie noong 2015-16, nagposte ang 29th overall draft pick ng mga averages na 4.7 points at 2.8 rebounds sa 24 games (four starts).

Ngayong season, napanood ang Syracuse alum sa 14 games para sa Brooklyn.

Show comments