Love Rosie mapapalaban sa Ava Natalia at Pradera Verde

MANILA, Philippines - Dalawang banderis­tang kabayo at isang de­remate  ang isa sa magandang mapapanood na k­arera ngayong gabi sa San Lazaro Leisure Park.

Sa isang grupo ng han­dicap-7 ay naka­hanay ang mga kabayong Love Rosie, Ava Natalia at Pra­dera Verde kasama ng anim na iba pang kalahok.

Ang may apat na taong babaeng kastanya na imported runner galing USA ay papatungan ni Ke­vin B. Abobo at ito ay panlaban ng Santa Clara Storckfarm Inc., na ikinu­kundisyon ni Tito E. Santos.

Ang Ava Natalia na isa ring babaeng kastanya  na imported runner ga­ling Australia ay panlaban ng J&J Prop Mngr. Inc at ipinaeensayo ni Renato C. Hipolito. Si Jessie B. Guce ang pinili niya para gumabay rito.

Ang Pradera Verde na locally-bred horse na pag-aari ni Dennis G. Pineda ay isa ring babaeng ka­bayo na inaalagaan ni trai­ner Ruben S. Tupas.

Si apprentice jockey Mark M. Gonzales ang magrerenda sa kabayo.

Kabilang pa rin ang tatlong banderistang ka­bayo na puwedeng maka­lusot kung makabubuo sila ng ayre.

Ito ay ang Glitter Face na entry ni Oliver Gianan at kinukundisyon ni Conrado M. Vicente. Si jockey Jonathan B. Hernandez ang sasakay rito.

Ang makailang beses nang sumali sa mga three year old horses na Guanta Na Mera ay ilalaban ni Atty. Narciso O. Morales at ito ay ipinagagabay kay Mark Alvarez, ang napi­ling jockey of the year ng taong 2016.

Pamato naman ni Pa­trick P. Uy ang ka­bayong Niccole Angel na pinamamahalaan ni Nestor Manalang.

Si apprentice Onil P. Cortez ang napili nilang sumakay sa kabayo.

Napabilang rin sa gru­po ang dating kampeong Spring Collection at Tuxedo na parehong ipinaeensayo ni Ruben Tupas.

Si Andrew R. Villegas ang sasakay sa Spring Collection, samantalang si apprentice J.A. Pastoral naman ang maggigiya sa Tuxedo. JM

 

Show comments