Asian Cup Qualifiers gagawin sa Rizal

MANILA, Philippines – Matapos langawin ang idinaos na 2016 AFF Suzuki Cup ay ti-tingin ang Philippine Football Federation ng mga venues na magi-ging madali para sa mga fans na puntahan at suportahan ang home games ng Azkals sa darating na AFC Asian Cup Qualifiers.

Sinabi ni PFF president Nonong Araneta na ang Rizal Memorial Stadium sa Manila ang kanilang top candidate, habang ikinukunsidera naman ang Bacolod at Cebu.

“It depends on the preparations of the venues. If Panaad or Abellana (Cebu City Sports Complex) or the new USC stadium in Cebu will be ready, we might bring it there. Other-wise, it’s gonna be Ri-zal,” wika ni Araneta.

Nabigo ang Azkals na makakuha ng crowd support sa nakaraang Suzuki Cup group stage noong nakaraang taon sa 20,000-seater Philippine Sports Stadium sa Bocaue, Bulacan nang 4,000 fans lamang ang nanood.

Ayon kay Araneta, gusto ng PFF na ang Rizal Memorial Stadi-um ang maging main venue, ngunit hindi ito inaprubahan ng rights holder ng Suzuki Cup na Legardere Sports.

“It’s a world class stadium but it poses a problem in transportation for the fans and of course, we want the fans to go to the games,” wika ng PFF chief sa Philippine Sports Arena.

Hindi naman magi-ging problema ang crowd attendance sa Visayas kung saan tinalo ng Azkals ang Mongolia sa qualifying match ng AFC Challenge Cup noong 2011 at ang scoreless draw sa Malaysia sa Cebu noong 2014.

Show comments