Cavaliers dinispatsa ang Nets

Hinarangan ni Jeremy Lin ng Brooklyn ang daraanan ni LeBron James ng Cavaliers sa first half ng kanilang laro.

CLEVELAND - Katulad ng inaasahan, muling nanguna si Le-Bron James, ipinaramdam ni center Tristan Thompson ang kanyang lakas at nagbalik si Ke-vin Love mula sa injury para sa 119-99 paggiba ng Cavaliers sa bisitang Brooklyn Nets.

Kaagad binuksan ng Cleveland ang first period bitbit ang 14-point lead, 29-15, at hindi na nagambala ng Brooklyn sa kabuuan ng laro.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Cavaliers.

Kumamada si James ng 19 points mula sa 7-of-16 fieldgoal shoo-ting sa loob ng 27 mi-nuto, habang nagtala si Thompson ng 7-for-8 clip para tumapos na may 16 points.

Nagbalik mula sa two-game absence bu-nga ng bruised left knee, naglaro si Love sa loob ng 25 minuto at umiskor ng 14 markers kagaya ni Mike Dunleavy, samantalang nagdagdag si Kyrie Irving ng 13 points para sa Cleveland na naipanalo ang 22 sa kanilang 28 games.

Nalasap ng Nets ang kanilang pang-apat na sunod na kabiguan at ika-21 sa 28 laro.

Umiskor si center Brook Lopez ng 16 points kasunod ang 13 ni Spencer Dinwiddie sa panig ng Brooklyn.

Sa Charlotte, suma-kay ang Hornets sa ma-laking ratsada sa second quarter para kunin ang 103-91 panalo kontra sa Chicago Bulls.

Kumolekta si Nicolas Batum ng isa na namang double-double sa kanyang 20 points at 11 rebounds at umiskor din si Kemba Walker ng 20 markers para sa ikatlong dikit na panalo ng Charlotte.

Pinamunuan ni Jimmy Butler ang Bulls sa kanyang 26 points kasunod ang 15 markers ni reserve forward Doug McDermott.

Sa Orlando, humataw si Elfrid Payton ng 25 points at 9 assists mula sa bench, habang humakot si Serge Ibaka ng 19 points, 11 rebounds at 5 blocks para tulungan ang Magic sa 109-90 paggiba sa Los Angeles Lakers.

Itinala ng Orlando, nanggaling sa kabiguan sa New York Knicks, ang 30-14 bentahe sa first quarter bago kinuha ang 57-40 kalamangan sa halftime.

Naglunsad ng atake ang Lakers, nalasap ang kanilang ikaapat na dikit na kamalasan, mula sa inihulog na 10-3 bomba sa pagsisimula ng third period para makalapit sa Magic.

Ngunit sumagot ang Orlando para muling makalayo sa 86-69 papasok sa final canto.

Ang three-point shot ni Fil-Am guard Jordan Clarkson ang muling naglapit sa Los Angeles sa 82-88 sa 7:52 minuto ng laro.

Nagsalpak ng isang 19-footer si Payton pa-ra sindihan ang 13-0 arangkada ng Orlando.

Tumipa si Clarkson ng 18 points para sa La-kers.

Show comments