Sayang na talento para sa Gilas Pilipinas
Dalawang makinang na personal na karangalan ang isinukbit ni Arwind Santos sa kanyang 500th PBA career game na nilaro kontra sa Mahindra nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Sa paghugot ng walong defensive rebounds, naging 14th player sa buong PBA history na nakahakot ng at least 3,000 career defensive rebounds ang premyadong SMB forward.
Kasabay nito, nagrehistro siya ng tumataginting na six blocks na naghatid sa kanya sa Top 10 ng all-time leading blockers ng liga. Nasa unahan niya sina Ramon Fernandez (1,853), Philip Cezar (1,370), Benjie Paras (1,333), Jerry Codiñera (1,221), Marlou Aquino (1,131), Abet Guidaben (922), Manny Victorino (817), Ali Peek (784) at Yoyoy Villamin (709).
Nilagpasan ni Santos ang mga gaya nina Edward Juinio, Abe King, Alvin Patrimonio, Ricky Relosa, Romulo Mamaril, Danny Ildefonso at marami pang iba na mas maraming seasons ang inilaro kaysa sa SMB star.
Sa 10 seasons na nailaro na ni Santos, walong beses siyang kasama sa Mythical First Five at isang beses sa Mythical Second Team -- testamento sa kanyang pagi-ging consistent top performer simula nang pumasok sa liga bilang No. 2 pick noong 2006 PBA Draft.
Isa siya sa mga pangunahing forward ng PBA, may tangang isang MVP award na napanalunan noong 2013.
Ang siste, habang kasama niya si June Mar Fajar-do sa kanilang koponan, mukhang walang pag-asang mapakinabangan ang kanyang talent sa Gilas Pilipinas base sa Memorandum of Agreement ng PBA at Sama-hang Basketbol ng Pilipinas.
Ayon sa MOA, labas sa original na Gilas list, tig-iisang player lamang ang mandato ng PBA ball clubs na idagdag sa national pool ni coach Chot Reyes.
Bilang pangunahing big man ng Philippine basketball, malabo naman siyempreng ma-bump off ni Santos si Fajardo. Maliban na lamang kung ma-injure si Fajardo na hindi naman gugustuhing mangyari ng kahit na sino.
Dahil sa parehong rule noong mga nakaraang taon, hindi napapasama si Santos sa national team. Isang beses pa lamang siyang napasama sa PBA-backed national team -- noong 2009 sa Tianjin Asian meet sa ilalim ni coach Yeng Guiao. Sayang na talento!!!
***
Si Gerry Ramos ng Spin.ph ang napiling bagong presidente ng PBA Press Corps, kahalili ni Barry Pascua na nagsilbi ng tatlong sunod na one-year term. Vice president ang sportswriter na ito na dating five-term PBAPC president. Secretary si Karlo Sacamos ng Spin.ph, treasurer si Ramil Cruz ng Abante at auditor si Rey Joble ng interaksyon.com.
Best muse of all-time ng PBAPC si PM sports editor Mae Balbuena Villena.
Mabuhay ang new set of PBAPC officers na maglilingkod sa PBA Season 42.
- Latest