5,000 kabataan nakibahagi sa 21st Alaska Football Cup
MANILA, Philippines – Muling pumagitna ang mga batang mahihilig sa football sa nakaraang 21st Alaska Football Cup, ang pinakamatagal nang grassroots development football program sa bansa nitong weekend sa Alabang Country Club.
Tinatayang 5,000 players na binubuo ng 320 teams mula sa iba’t ibang dako ng bansa ang nakibahagi sa two-day football event na nilaro sa 28 football fields at binantayan ng168 football officials.
Hindi alintana ng mga partisipante ang ma-lakas na ulan dulot ng bagyong ‘Marce kaya naging maputik ang football fields para ipakita ang kanilang skills sa annual event na ito na suportado ng Alaska Milk.
Nanalo ang Miriam College Football Club at LBC Kaya Football sa 14-and-under girls and 6-and-under children.
- Latest