La Unión, Colombia - Nagluksa ang mundo ng football matapos bumagsak ang eroplanong sinakyan ng Brazilian team sa isang bundok ng Colombia kung saan 71 ang namatay, habang anim ang himalang nakaligtas.
Pinangunahan nina football legends Pele at Maradona kasama ang mga bagong superstars na kagaya nina Lionel Messi at Cristiano Ronaldo sa pagbibigay ng tribute sa mga players ng Chapecoense Real, isang mahirap na koponan na unti-unti pa lamang sumisikat.
Mula sa pagiging kulelat ay umabante ang koponan sa finals ng Copa Sudamericana, ang ikalawang pinakamalaking club tournament sa South America.
“The pain is terrible. Just as we had made it, I will not say to the top, but to have national prominence, a tragedy like this happens,” sabi ni club vice-president Ivan Tozzo sa panayam ng Globo SporTV. “It is very difficult, a very great tragedy.”
Iniulat ng charter plane ng Bolivian company LAMIA ang pagkakaroon ng “electrical failures” ng alas-10 ng gabi noong Lunes kasunod ang pagbagsak nito malapit sa pupuntahang Medellin.
Natagpuan na ang black box recorders ng eroplano ngunit hindi pa tiyak kung hanggang kailan mapag-aaralan ang nilalaman nito.
Makikita ang kalat-kalat na bahagi ng eroplano sa gilid ng bundok sa northwestern Colombia.
Ang mga namatay ay halos karamihan ay bahagi ng koponan bukod pa sa 20 Brazilian journalists na magkokober ng laro.
“I have just seen the plane and given the state it is in, it is a miracle that six people survived,” sabi ni Governor Luis Perez ng Antioquia department kung saan bumagsak ang eroplano.
Ang isang nakaligtas na si goalkeeper Jackson Follmann ay kinailangang putulin ang kanang binti, ayon sa San Vicente Foundation Hospital na nasa labas ng Medellin.
Bagama’t nasa listahan ng passenger manifest ay hindi naman sumakay ng eroplano ang isang club official, isang journalist, ang Mayor ng lungsod ng koponan at ang speaker ng state assembly.
“It’s one of those things in life. Only God knows why I ended up staying behind,” wika ni Luciano Buligon, ang Mayor ng Chapeco sa southern Brazil.
Umiiyak na ikinuwento ni Plinio Filho, ang pinuno ng advisory council ng football club, kung paano sinabi sa kanya ng mga players ang “chase a dream.”
“The group was like a family. It was a group of friends, where everyone laughed a lot, even in defeat,” sabi ni Filho.