Basag ang backboard kay Humphries

Ang backboard na nasira ni Kris Humphries.

ATLANTA - Nabasag ni Hawks reserve Kris Humphries ang backboard sa kanyang slam dunk sa kanilang ensayo sa Santa Monica (Calif.) High School.

Ipinakita ni Humphries ang litrato ng nasirang backboard sa kanyang Instagram at nagbirong hi-nuhugasan pa niya ang kanyang buhok dahil sa nahulog na mga salamin.

Ayon kay Chris Vivlamore ng Atlanta Journal-Constitution, babayaran ng Hawks ang na-basag na backboard para palitan ito at ayusin ang iba pang nasira.

Show comments