MANILA, Philippines – Muling hinirang na kampeon ang National University sa ikaapat na sunod na UAAP Cheerdance Competition.
Nagpakitang-gilas ang NU Pep Squad sa kanilang cyborg-themed performance upang ma-kakuha ng 711 puntos sa pinakamataas na 800 na maaring makuha ng isang grupo para mai-pagpatuloy ang kanilang pagdomina sa CDC.
Para kay NU Pep Squad head coach Ghicka Bernabe, ang panalo ay pagpapatunay na sila ang nararapat na kampeon ng CDC matapos ang kontrobersyal na panalo noong nakaraang taon.
“This is one of the sweetest victory namin after that controversial victory last year ito ‘yung gusto naming pa-tunayan sa mga tao,” ani Bernabe. “Kinuha na namin ‘yung four-peat kasi alam kong kaya namin.”
Ito ang pangalawang four-peat sa 22-taong kasaysayan ng kompe-tisyon matapos ang pag-hahari ng University of Sto. Tomas noong 2002 hanggang 2006 bilang bahagi ng kanilang ‘five-peat’.
Pumangalawa ang 2009 champions na Far Eastern University, ipinakita ang kanilang broadway performance, para sa 658.5 puntos, habang pumangatlo ang Adamson University na nagtanghal gamit ang tema nilang Hawaiian para makakuha ng 655 na puntos.
Ito ang unang me-dalya ng Adamson sa CDC mula nang manalong first runner-up no-ong 2001.
Nag-uwi rin ng P340,000 ang NU Pep Squad bukod sa mga papremyo mula sa sponsors.
Nasungkit rin ng NU Pep Squad ang titulo ng group stunts competition at ang papremyong P25,000. FMLumba