Foton Tornadoes patuloy ang pagsolo sa liderato
MALOLOS CITY, Philippines – Idiniretso ng Foton ang kanilang ratsada sa anim na sunod na pa-nalo matapos gibain ang Generika, 25-16, 27-25, 25-20, sa Asics Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na iniha-handog ng PLDT Home Ultera kahapon dito sa Malolos Sports and Convention Center.
Humataw sina imports Lindsay Stalzer at Ariel Usher ng 21 at 20 hits, ayon sa pagkakasunod, para sa Torna-does na hindi pa rin nakukuha ang serbisyo ni middle blocker Jaja Santiago.
Kasalukuyang nasa Japan si Santiago kasama ang kanyang collegiate squad.
Samantala, tinalo naman ng F2 Logistics ang Cignal, 25-16, 25-16, 22-25, 25-16.
Ang naging top sco-rer ng laban ay si Ame-rican import Hayley Spelman na umiskor ng 23 puntos para pamunuan ang Cargo Movers na makabalik sa winning column matapos tuldukan ng Petron ang kanilang three-game winning streak noong Huwebes.
Nahirapan ang opensa ng HD Spikers na makalusot sa matinding net depensa ng Cargo Movers na nagtala ng 8 block points.
Naging madali naman ang pag-iskor para sa F2 Logistics na naka-kuha ng 8 puntos mula sa service area.
Malaking kawalan din para sa Cignal ang hindi paglalaro ni Puerto Rican import Lynda Morales sa ikalawang sunod na laro.
Nag-ambag din ng 11 puntos si Cha Cruz mula sa bench para patibayin ang hawak ng kanilang koponan sa third place taglay ang rekord na 4-3.
Gumawa naman ng 13 puntos si Janine Marciano para sa ikalawang sunod na kabiguan ng Cignal, nalaglag sa 1-4 baraha. FMLumba
- Latest