Umpisa na ang giyera ng Pocari at Customs
MANILA, Philippines - Binalaan ni Pocari Sweat coach Rommel Abella ang kanyang manlalaro na huwag magkumpyansiya habang hiniling naman ni Alyssa Valdez ng Bureau of Customs sa kanyang mga kasama na doblehin ang pagsisikap sa Game 1 ng best-of-three championship series ngayon sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference na gaganapin sa Philsports Arena ng Pasig City.
Maghaharap ang Customs Transformers at Pocari Lady Warriors sa alas-6 ng gabi habang ang University of Sto. Tomas Tigresses at BaliPure ay magtutuos alas-4 ng hapon sa best-of-three for third place.
Sa 2nd Spiker’s Turf Reinforced conference, hangad ng Air Force Jet Spikers na masungkit ang ikalawang titulo sa kanilang laban kontra sa defending champion Cignal sa alas-12:30 ng tanghali at haharap naman ang Champion Supra sa Instituto Estitico Manila alas-10:30 ng umaga para sa third place.
Ang Air Force at Champion Supra parehong lamang sa 1-0 sa kani-kanilang serye.
Naitakas ng Transformers ang ikalawang finals slot matapos ang 25-21, 25-16, 24-26, 8-25, 15-8 panalo laban sa BaliPure para umusad sa best-of-three finals, 2-1. Winalis naman ng Pocari Lady Warriors ang kanilang semis match laban sa University of Sto. Tomas, 2-0.
“Going up against Pocari is a tough game. Kasi they are really a strong team. They have veterans, they have the experiences and they work as a team. So, it’s really a hard challenge for us. We really have to double our effort talaga,” sabi ni Valdez na umiskor ng 16 puntos sa laro kontra BaliPure.
Para naman kay Custom coach Sherwin Me-neses, kailangan nilang mag-focus sa laro at ibigay ang lahat ng kanilang makakaya.
Tinalo ng Pocari Lady Warriors ang Customs, 25-22, 25- 22, 25-14 sa kanilang paghaharap sa elimination round noong Oct. 22.
“We are the underdogs. For us to beat them, we have to play solid in reception and blocking, ayon kay Meneses.
- Latest