Stallone binisita si Manny sa gym

LOS ANGELES – Isang pamilyar na muk-ha ang bumisita sa Wild Card Gym para makita ang pagsasanay ni  Manny Pacquiao dito.

Pinuri ni Hollywood star Sylvester Stallone si Pacquiao matapos itong makipag-spar ng anim na rounds kay Raynaldo Beltran.

Matapos ito ay nagposte si Pacquiao ng kanilang litrato ni Stallone sa kanyang Twitter account.

“He’s the best fighter ever,” wika ni Stallone kay Filipino icon na na-katakdang labanan si Jessie Vargas sa Linggo sa Las Vegas.

“Even better than Rocky Balboa!” dagdag pa ng gumanap na papel na ‘Rocky’.

Sinabi naman ni Pacquiao na inasahan na niyang bibisitahin siya ni Stallone na ikinukunsidera niyang isang kaibigan.

“He always visits me while in training whenever he can,” wika ni Pacquiao kay Stallone.

Show comments