Alaska, NLEX unahan sa quarterfinals

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang Alaska at NLEX sa pagsikwat sa quarterfinals ticket, habang hangad naman ng Rain or Shine na makakuha ng playoff para sa pang-walo at huling silya.

Maghaharap ang Aces at ang Road Warriors ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang pagsagupa ng Elasto Painters sa sibak nang Star Hotshots sa alas-7 ng gabi sa krusyal na mga laro sa 2016 PBA Governors’ Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kung mananalo ang Alaska sa NLEX ay makakamit nila ang No. 6 berth sa quarterfinals habang pag-aagawan ng Meralco at Mahindra ang No. 4 seat.

Ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang makakakuha ng ‘twice-to-beat’ advantage sa pagharap sa No 8, 7, 6 at 5 squads ayon sa pagkakasunod.

Sakaling mabigo ang Aces sa Road Warriors ay haharapin nila ang Phoenix Fuel Masters para sa No. 8 spot kasabay ng tagumpay ng Elasto Painters kontra sa Hotshots.

Maibubulsa naman ng Phoenix ang isang quarterfinals ticket kung tatalunin ng Star ang Rain or Shine.

Ang pananaig ng Elasto Painters sa Hotshots ang magtatakda sa playoff sa pagitan ng Fuel Masters at Aces (kung mananalo sa Road Warriors) or Elasto Painters (sakaling manaig ang Road Warriors) para sa No. 8 seat.

Samantala, magbabalik naman si Elijah Millsap, kapatid ni NBA superstar Paul Millsap sa PBA para palakasin ang kampanya ng nagdedepensang San Miguel sa season-ending conference.

Papalitan ni Millsap, iginiya ang Beermen sa Finals ng 2013 PBA Governor’s Cup na pinagha-rian ng San Mig Coffee (ngayon ay Star) sa likod ni import Marqus Blakely, si Mike Singletary.

Nagtapos ang two-year contract ni Millsap para sa Utah Jazz sa NBA.

Pumayag si Singletary na pansamantalang saluhin ang naiwang trabaho ng may injury na si Arizona Reid.

Show comments