TNT tinangay ang ‘twice-to-beat’

MANILA, Philippines – Nang maglista ng 10-point lead sa third period ay hindi na nili-ngon pa ng TNT Katropa ang nagdedepensang San Miguel.

Pinabagsak ng Tropang Texters ang Beermen, 105-85, para pitasin ang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarter-finals ng 2016 PBA Governor’s Cup kagabi sa Batangas City Colise-um.

Dumiretso ang TNT Katropa sa kanilang ikalawang sunod na panalo para manatili sa itaas ng team standings.

Nagwakas naman ang dalawang dikit na ratsada ng San Miguel para makisosyo sa Mahindra sa ikatlong silya.

Ang top four teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals kontra sa No. 5, 6, 7 at 8 squads.

Tumapos si Ranidel De Ocampo na may 18 points kasunod ang 16 ni Jayson Castro.

Mula sa 47-45 abante sa halftime ay pinalobo ng TNT Katropa ang kanilang abante sa San Miguel sa 59-49 sa 8:03 minuto ng third period.

Isinara ng Tropang Texters ang yugto na bitbit ang 16-point lead bago naghulog ng 19-6 bomba para iwanan ang Beermen sa 99-70.

TNT KATROPA 105 - De Ocampo 18, Castro 16, Madanly 15, Rosario 13, Ammons 11, Fonacier 9, Reyes R. 8, Williams 5, Carey 4, Tautuaa 3, Ros-ser 2, Rosales 1, Ababou 0, Nuyles 0.

San Miguel 85 - Fajar-do 20, Singletary 18, Ca-bagnot 17, Santos 10, Abdeen 9, Tubid 7, Espinas 2, Lassiter 2, Araña 0, David 0, De Ocampo 0, Ross 0.

Quarterscores: 28-20; 47-45; 80-64; 105-85.

Show comments