MANILA, Philippines - Para kay Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz, ang two-day consultative mee-ting ay senyales na ng pagbabago sa Philippine sports.
Sinimulan kahapon ng Philippine Sports Commission ang top-le-vel consultative meeting kasama ang mga sports stakeholders sa Century Park Sheration Hotel sa Malate, Manila.
Malakas na palakpa-kan ang ibinigay ng mga opisyales kay Diaz nang magsalita ang 25-anyos na weightlifter sa mikro-pono.
“Ito na ‘yung sinasa-bi nating gumagawa na tayo ng steps towards changes sa Philippine sports para sa heneras-yon ng mga bagong at-leta,” wika ng tubong Zamboanga City.
Inilarawan nina PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, Philipine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr., IOC representative to the Philippines Mikee Cojuangco-Jaworski at nina Congressmen Conrado Estrella III, Mikee Romero at Mark Aeron Sambar ang pag-angkin ni Diaz sa Olympic silver medal sa Rio de Janeiro Brazil na isang ‘eye-opener’ para sagi-pin ang Philipine sports.