^

PM Sports

MB Pilapil nagbida sa apprentice jockey race

Pia Lee-Brago - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naipakita ni Mark B. Pilapil na isa siya sa magiging superstar jockey sakaling malampasan niya ang pagiging  apprentice.

Sa ginanap na all apprentice jockeys race ay mahusay na naiparemate ni Pilapil ang kabayong Señorita  Alessi na buong-buo pa ang dating sa pakarerang inisponsoran ni Jeci A. Lapus.

Ang  siste pa, ang coupled runner nitong My Jopeng na dinala naman ni Allan S. Pare ang kanyang tinalo para sa unang puwesto.

Tersero naman ang Shadow Of The Wind na pinatungan ni Ryan M. Garcia.

Nagsidatingan rin para sa pentafecta event sina Che Mi Amor na ginabayan  ni Peter John A. Guce at Karman Ghia na nirendahan ni Wilden L. Delfin.

Dalawang kabayo pa ang naihatid sa meta ni M.B. Pilapil. Ang isa ay ang unang paboritong si Charm Away na nanalo sa isang sponsored race ni Mr. Jojo Inzon III.

Ang nagpabigla sa mga karerista ay nang maipanalo rin ni Pilapil ang super dehadong Alpha Alleanza sa isa pang sponsored race na si Mr. Fernand B. Reyes ang bumalikat.

Samantala,  todo hinagpis naman ang mga karerista lalo na iyong mga super liyamadista sa pagkatalo ng outstanding favorite na Miss Bianca na pinatungan ni A.B. Serios.

Todo  pa mandin ang pagkakapuri sa kabayong ito dahil sadyang lutang na lutang sa labanan sa handicap-3 pero ang paghangang iyon ay napunta sa pagkabuwisit ng mga karerista.

Ang nangyari  kasi ay hindi lumabas sa aparato ang may apat na tayong kastanyang kabayo.

Nanikit ito sa aparato at hindi na nakatapos pa ng karera. JMacaraig

JOHN KERRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with